A zine-thesis on the introductory discussion of Abolition in the Archipelago.
By ABOLISYON! & Makò Micro-Press.
“Communities of care are alternatives to policing.”
Unang zine ng taon!
Bungad ng 2021 at binibigyan na tayo ng sindikatong estado ng mga karima-rimarim ngunit lehitimong dahilan para sila’y buwagin, kasama ang mga aparato nitong kapulisan na siyang nangunguna sa panlilinlang at pagsisinungaling.
Kasama ang mga kaibigan mula sa kolektibong Abolisyon, handog namin ang isang zine-thesis (synthesis) na pinamagatang
“What If There Are No Police & Prisons?”
Isa itong komprehensibong pagsusuma at pagdodokumento sa kauna-unahan naming tinulungang organisahing malayang talakayan at diskusyon patungkol sa mundong walang kapulisan at mga alternatibo’t transpormatibong pamamaraan ng pagkakamit ng hustisya.
I-print lamang sa A3 o A4 size na papel, back-to-back, at sundin ang folding format sa susunod na slide/imahe.
LIBRENG MAKUHA AT I-DOWNLOAD
Shareable download link: acab.link/s/MakoAbolisyonZine01
[hr]
Comments