A Tagalog translation of Cindy Milstein's pamphlet Anarchism.
Sinulat ni Cindy Milstein. Salin sa wikang Filipino ni Victoria Garcia. Unang nailathala ni Revolt Magazine.
[hr]
Sa ugat nito, ang anarkismo ay isang espiritu—na umiiyak laban sa lahat ng mga mali sa kasalukuyang lipunan, at walang alinlangang ipinapahayag ang lahat ng mga pupwedeng isaayos sa ilalim ng mga alternatibong uri ng panlipunang kaayusan. Maraming magkakaiba ngunit magkakarugtong na pagtingin sa anarkismo, pero sa madaling sabi, ito ay bibigyang kahulugan bilang ang pakikibaka tungo sa isang “malayang lipunan ng mga malayang indibiduwal.” Ang katagang ito ay maaaring masabi na napakasimple. Nakapaloob dito ang parehong pagpapahiwatig ng kritikong multi-dimensyonal at isang mapagpalawig, maaaring sensitibong, pagbubuo ng panibagong pagtingin.
Dito, ang pagpapalalim sa kahulugan ay makatutulong kung ano ang anarkismo: ang walang kamatayang imahe ng “circle A.” Ang A ay nanggaling sa sinaunang Griyegong salita na anarkhia—pinagsama ang ugat na an(a), “wala,” at arkh(os), “pinuno, awtoridad”—ibig sabihin ang kawalan ng awtoridad. Mas napapanahon at mas tumpak, na nangangahulugan ito ng kawalan ng dominasyon (mastery o kontrol sa iba) at hirarkiya (bahagdang relasyon ng kapangyarihang may dominansya at pagpapailalim/pananakop). Ang bilog ay maaaring tingnan na O, bilang kapalit ng “order” o, mas angkop ang “organization,” ang sabi pa nga sa klasikong depinisyon ni Pierre-Joseph Proudhon sa kaniyang What is Property? (1840): “Habang naghahanap ang tao [sic] ng hustisya sa pagkakapantay-pantay, kaya ang lipunan ay naghahanap ng kaayusan sa anarkiya” Ang circle A ay sumisimbolo sa anarkismo bilang makadikit na proyekto: ang abolisyon ng dominansya at hirarkikal na anyo ng panlipunang kaayusan, o kapangyarihan—sa itaas ng panlipunang ugnayan, at ang kapalit nitong mga pahalang na bersyon, o kapangyarihan sa pagkakaisa at pagkakaunawaan—katulad ng nabanggit, malayang lipunan ng mga malayang indibiduwal.
Ang anarkismo ay synthesis ng maganda sa liberalismo at ang maganda sa komunismo, nang may pagtataas at pagbabago sa mga maganda sa mga tradisyon na gumagaod tungo sa isang egalitaryo, boluntaryo, at lipunang hindi hierarkikal. Ang proyekto ng liberalismo sa pinakamalawak nitong kahulugan ay masigurado ang personal na Kalayaan. Ang pangkalahatang proyekto ng komunismo ay masigurado ang makakabuti sa nakararami. Maaari, at kinakailangan, nating kuwestyunin ang salitang “malaya” sa parehong nabanggit, lalo na sa aktuwal na implementasyon ng liberalismo at komunismo, at ang pinagkakaisahang pagdidiin sa estado at pag-aari bilang nagsisigurado sa kalayaan. Gayunpaman, kung titingnan, sa kanilang pinaka-“democratic”, ang layunin ng isa ay humubog ng indibiduwal na kayang mabuhay nang walang restriksyon, at ang isa ay bumubuo ng komunidad na naka-tindig sa kolektibong linya. Ito ay parehong makabuluhang nosyon. Sa kasamaang palad, ang Kalayaan ay hindi matatamo sa pagiging tabingi nito: sa pamamagitan ng sarili o lipunan. Ang dalawang ito ay karaniwang nagtutungali, sa maraming pagkakataon ay agaran. Ang dakilang paghakbang ng anarkismo ay ang pagsamahin ang sarili at ang lipunan sa iisang politikal na pagtingin; at kasabay nito, ibinabasura nito ang estado at ang pag-aari bilang sandigang haligi, at bilang kapalit ay sumasandig ito sa self-organization at mutual aid.
Ang terminong anarkismo ay lumabas noong ika-19 na siglo sa Europa, ngunit ang minimithi at isinasagawa nito ay namulaklak, sa ilang bahagi, mula sa ilang daang taon ng rebelyon ng mga alipin, pag-aaklas ng magsasaka, at mga heretikong kilusan sa iba’t ibang panig ng mundo kung saan ang mga tao ang nagdedesisyon kung ano ang dapat tapusin, at ang mga kaugnay na eksperimento sa iba’t ibang uri ng awtonomiya sa nagdaang mga siglo.
Ang anarkismo, sa isang bahagi, ay naimpluwensyahan ng Enlightenment noong ika-18 na siglo, na—sa higit na makakaya nito—ay pinasikat ang tatlong pinakamahalagang nosyon, na naging tuntunangan para bumuo ng teorya mula sa mga pag-aaklas. Una: Ang mga indibiduwal ay may kakayahang mangatuwiran. Pangalawa: Kung ang mga tao ay may kakayahang mangatuwiran, mayroon rin silang kakayahan na gawin ang kanilang mga iniisip. Siguro ang pinaka-mapagpalaya, ang pangatlong ideya ay lumabas: Kung ang tao ay nag-iisip at umaaksyon sa sarili nilang inisyatiba, kung ganoon ay lohikal na sabihin na maaaring nilang isipin at gumawa ng hakbang sa nosyon ng isang mabuting lipunan. Maaari silang maging malikhain; sila ay makakabuo ng mas mabuting mundo.
Lupon ng mga pilosopo noong Enlightenment ang nagpahayag ng mga panibagong konsepto sa panlipunang kaayusan, na kumukuha mula sa praktika at ganoon din sa pagsasa-teorya, mula sa Karapatan ng indibiduwal hanggang self-governance. Sa pag-unlad ng teknolohiya ng imprenta, na naging tuntungan ng malawakang pagkalat ng mga sulatin, sa pinaka-unang pagkakataon sa kasaysayan ng sangkatauhan, sa pamamagitan ng mga libro, pamphlet, at mga periodiko. Nagkaroon ng espasyo para sa mga pag-uusap katulad ng coffeehouses, aklatan, at entablado sa mga parke kung saan pinapahintulutan ang mga debate tungkol at sa pagkalat ng mga ganitong nagpapaalab na mga ideya. Wala sa mga ito ang nakatiyak na ang mga tao ay kusang mag-iisip, kusang gagawa, o gumawa dahil mayroong pag-aalala sa sangkatauhan. Pero ang pinaka-theoretically na rebolusyonaryo sa malaking pagbabago na ito ay bago pa nito, ang kalakhan ng mga tao ay hindi naniniwala sa sarili nilang pangunguna o kakayahan na kusang magtipon-tipon sa isang magkakarugtong, malay, at pinamaka-mahalaga, sa malawakang basehan. Sila ay ipinanganak, bilang halimbawa, sa isang liblib na bayan bilang isang mahirap na inaasahang mabubuhay na sumusunod. Sa madaling sabi, tatanggapin nila ang kanilang lupa at ang kaayusan bilang bigay ng Dios at natural—na umaasa na magkakaroon ng mas mabuting buhay sa kabilang buhay.
Dahil itinutulak ng relasyon ng teorya at praktika ang isa’t isa, maraming tao kalaunan ang yumakap sa tatlong ideya ng Englightenment, na nanganak ng mga ideolohiyang libertaryo, mula sa mga relihiyosong samahan hanggang sa sekular na republikanismo, liberalismo, at sosyalismo. Maraming anyo ng politikal at ekonomikong pagpapailalim para umaksyon ang naihulma dahil sa panibagong radikal na pagkakilig, na umaambag sa pagkalat ng mga rebolusyon sa buong Europa at sa iba pang mga lugar, katulad ng Haiti, Estados Unidos, at Mexico. Ang rebolusyonaryong panahon ay nagsimula ng mga 1789 at natapos nang mga 1871 (at lumabas ulit noong simula ng ika-20 na siglo).
Nagsimulang mabuo ang anarkismo mula sa milyu na ito, sa salita ng “klasikal” na anarkistang si Peter Kropotkin, ang “left wing” ng sosyalismo. Katulad ng lahat ng sosyalista, ang anarkista ay nagtutuon ng pansin sa ekonomiya, mas espisipiko sa kapitalismo, na nakita na ang mga uring manggagawa sa mga pabrika at bukirin, pati na rin ang mga artisano, ay ang pangunahing magsusulong ng rebolusyon. Naramdaman rin nila na marami sa mga sosyalista ay nasa “kanan” o nonlibertarian na bahagi ng anarkismo, malabnaw sa kanilang kritika sa estado, sa madaling sabi. Ang mga unang anarkita, katulad ng lahat ng mga anarkita pagkatapos nila, ay tiningnan ang estado bilang kasangkot rin sa pagtataguyod ng panlipunang dominasyon; ang estado ay nakikitugma at nakikiayon sa kapitalismo, pero siya ay may sariling kaanyuan. Katulad ng kapitalismo, ang estado ay hindi “makikipag-areglo” sa kahit anong sosyopolitikal na sistema. Tinatangka nitong kumamkam ng mas marami at mas marami pang espasyo ng pamamahala. Ito ay hindi neutral at hindi rin ito pupwedeng idaan sa “checked and balanced.” Ang estado ay mayroong sariling lohika ng pamamalakad at pagkontrol, ang pagiging ganid sa politikal na kapangyarihan. Pinanghahawakan ng mga anarkista na ang estado ay hindi puwedeng gamitin na instrumentong magpapabagsak sa kapitalismo, o gamitin bilang isang transitional strategy tungo sa isang noncapitalist, nonstatist na lipunan. Ipinapalaganap nila ang “no gods, no masters” na pagtingin, na nakasentro palibot sa tatlong pinaka-iingatan ng kanilang panahon—kapital, estado, at simbahan—kontra ito, bilang halimbawa, sa ipinahayag ng The Communist Manifesto, “the history of all hitherto existing society is the history of class struggles.” Hindi naman sa hindi ito sineseryoso ng mga anarkita; mayroong kasing ibang kasaysayan at ibang paraan nang pakikiba—isang bagay na patuloy na pinupunan ng anarkismo sa dumadaan na mga dekada.
Katulad ng natututunan ng marami ngayon, tinalakay ng anarkismo ang isang bagay na dapat na matagal nang hinarap ng Marxismo: dominasyon at hirarkiya, at ang kanilang kapalit sa iba’t ibang konteksto na mayroong pagtatangi sa Kalayaan. Kung gayon, ang kasikal na yugto ng anarkismo ay nagpakita nang maraming butas, pati na ang kaunting kawalan ng kakayahan. Ang mga usapin sa kasarian at lahi, kung saan nangyayari ang dominasyon lagpas sa kapitalismo, ang estado, at ang simbahan, ay madalas na binibigyan ng maigsing panahon o hindi na lang pinapansin. Ang anarkismo noong siglo-19 ay hindi naman talaga palaging nasa unahan ng panahon nito sa pagtukoy sa iba’t ibang anyo ng opresyon. O binigyan nito ng tuon ang pagkasira ng kalikasan.
Siyempre, ang paghahambing sa klasikal na anarkismo sa anarkismo ngayon na may mas masinsin na pagkaunawa sa mga uri ng kaayusan at sa hindi mabilang na uri ng dominasyon ay hindi makatarungan- para sa anarkismo at sa ibang sosyalismo. Ang anarkismo ay umuunlad sa pagdaan ng panahon, theoretically at sa pamamagitan ng praktika. Ang dynamism, na esensiyal na prinsipyo, ay mayroong malaking bahagi sa pagbibigay kakayahan sa anarkismo na tingnan ito bilang isang hamon. Ang pagiging bukas nito sa ibang social movement at radikal na ideya ay umaambag pa lalo sa patuloy nitong pag-unlad. Katulad ng mga bagong politikal na pilosopiya, kinakailangan ng napakaraming isip at napakaraming eksperimento sa loob ng maraming taon para maihulma ang anarkismo tungo sa mas buo, at panibagong pagtingin sa mundo— isang proseso, kung seseryosohin ang inisyal na kilig ng anarkismo, na palaging palawakin ang pagtingin sa mundo para mapunan ang mga dagdag na kakulangan. Ang anarkismo ay patuloy na tinitingnan ang sarili nito bilang “nasa simula,” bilang pagbanggit sa kakalabas lang na pamagat ng isang antolohiya.
Mula sa pagsisimula nito, ang ugat sa layunin ng anarkismo ay palaging nasa pagtanggal at pagbura sa lahat ng nakakabulok na hirarkikal na relasyong panlipunan, at mangarap na makabuo ng isang consensuwal, egalitaryong lipunan sa lahat ng pagkakataon. Sa panahon ng rebolusyonaryong pagkakataon, at sa isang yugto kung saan ang mga sinaunang gawi ng buhay ay hayag na sinira ng malaking pagbabago, ang mga unang anarkista ay madalas na mapaghangad sa kanilang pananaw para sa mas mabuting mundo. Humuhugot sila sa unti-unting nawawala (mula sa small-scale agrarian communities tungo sa mga commons) at kung ano ang tinatanggap (mula sa may potensyal na mapagpalayang teknolohiya tungo sa mas demokratikong estrukturang pampolitikal) upang makabuo ng hindi nababali at nagbabagong hubog na etika.
Ang mga etika na ito ay nananatiling nagpapagalaw sa anarkismo, ibinibigay nito ang pinaka-nakakamangha tungkol sa mga ginagawa nito. Ang mga paniniwala nito ang nagsisilbing hamon para patuloy na harapin ang makulay na tanikala ng kalayaan sa pamamagitan ng pagpapa-unlad ng kalidad ng buhay para sa lahat sa kasalukuyan. Ang anarkismo ay palaging “hilingin ang imposible” kahit na sinusubukan din nitong “tukuyin ang imposible.” Ang ideyalismo nito ay palaging isinasagawa. Ang mga hirarkikal na anyo ng panlipunang kaayusan ay hindi kayang punan ang pangangailangan o hangad ng karamihan sa mga tao, at palagi namang ipinapakita ng mga non-hierarchical na anyo ang kanilang kakayahan na mapalapit sa layuning ito. May saysay ito sa pagiging bantog at etikal na bahagi para mag-eksperimento sa mga kuro-kurong utopian. Walang ibang politikal na polisiya ang gumagawa nito na tuloy-tuloy at bukal sa loob, maalab na damdamin, at mayroong pangkalahatan na katapatan tungkol sa naparaming dead-end sa paglalakbay.
Naiintindihan ng anarkismo na ang kahit anong egalitaryong uri ng panlipunang kaayusan, lalo na iyong naghahanap ng mapagpursiging pagtanggal sa dominasyon, ay kinakailangang nakaangkla sa parehong indibiduwal at kolektibong kalayaan—walang magiging malaya hangga’t lahat ay malaya, at lahat ay magiging malaya lang kung ang bawat isang tao ay may kakayahang magnilay o tingnan ang kanilang sarili sa pinakamalawak na pangkalahatan. Ang anarkismo rin ay kinikilala, kahit papaano, na ang gawain na iyon ay parehong kinakailangan ng patuloy na pagbalanse at ng mga bagay sa totoong buhay. Ang kalayaan ng isang tao ay kadalasang umaapak sa kalayaan ng iba, o ng lahat. Walang common good ang pupwedeng mapunanan ang pangnagailangan at hangarin ng lahat. Mula sa simula, tinatanong ng anarkismo ang mahihirap at pinaka-pragmatikong tanong: Ang pagkilala sa akto ng pagbabalanse ng isang self-society bilang bahagi ng kondisyon ng tao, paanong isasagawa ng mga tao ang kolektibong pagkilala sa kanilang mga buhay para maging kung anong gusto nila at kasabay nito ay bumuo ng mga komunidad na kaya ring hubugin batay sa kagustuhan ng lahat?
Pinapanatili ng anarkismo na ang tensyon ay positibo, bilang isang malikhain at bahagi ng pagiging tao. Idinidiin nito na ang mga tao ay hindi pare-pareho, o na kailangan nilang maging, gustuhin, o hangarin ang pare-parehong mga bagay. Sa pinaka-tampok nito, ang pinaka-basic na hangarin ng anarkismo para sa isang malayang lipunan ng malayang mga indibiduwal ay nagbibigay ng transparency kung ano ang ba dapat ang isang demokratikong proseso. Ang mekanismo sa Assembly decision-making ay mahirap na trabaho. Nagtatanong ito ng mahihirap na mga tanong. Pero sa pamamagitan nito, tinuturuan ng mga tao ang kanilang sarili kung ano ang mga batayan ng kolektibong pamamahala sa sarili, sa pagbibigay ng kapangyarihan sa lahat. Ang mas mahalaga, ang mga tao ang tumutukoy sa estruktura ng panibagong mga espasyo ng posibilidad sa loob ng luma.
Ang anarkismo ay nagbibigay boses sa dakila ngunit mapagkumbabang paniniwala, na niyakap ng tao sa kasaysayan ng sangkatauhan, na puwede tayong mag-hiraya at magtayo ng isang kamangha-mangha at mayamang lipunan. Ito ang espiritu ng anarkismo, ang multong gumagambala sa sangkatauhan: na ang ating mga buhay at mga komunidad ay pupwede pang maging mas maayos. At maging mas maayos, at pagkatapos ay mas maging maayos pa.
Comments