Bakit Bandilang Itim?

A Tagalog translation of “Why the Black Flag?” from Reinventing Anarchy, Again (1996) by Howard J. Ehrlich, pp 31-32. English original included.

Submitted by Bandilang Itim on March 4, 2021

Isinalin mula sa “Why the Black Flag?” nasa Reinventing Anarchy, Again (1996) ni Howard J. Ehrlich, pp 31-32. Sinalin ni Simoun Magsalin.

Ang bandilang itim ay ang simbolo ng anarkiya. Pumupukaw nito ng iba’t-ibang mga damdamin tulad ng takot hanggang sa kasiyahan sa mga kinikilala ’to. Alamin natin kung ano ang ibig sabihin nito upang makita ’to sa higit pang mga pampublikong pagtitipon… Kontra sa lahat ng pamahalaan ang mga anarkista kasi naniniwala sila na ang malaya at mulat na kamalayan ng mga sarili ay ang pinakadakilang lakas ng mga pangkatan at ng mismong lipunan. Naniniwala ang mga anarkista sa pansariling responsibilidad at pagkukusa at sa buong-pusong pakikipagtulungan ng mga pangkatan na binubuo ng mga malayang indibidwal. Kabaligtaran ng mithiin ito ang pamahalaan, at umaasa ito sa malupit na puwersa at pandaraya upang padaliin ang pamamahalaan ng marami sa iilan lamang. Kung napatunayan ang itong malupit at mapanlinlang proseso sa mga gawa-gawang konsepto tulad ng dibinong karapatan ng mga hari, ang demokratikong halalan, o ang rebolusyonaryong pamahalaan ng mamamayan ay may kaunting pagkakaiba sa mga anarkista. Tinatanggihan namin ang buong konsepto ng pamahalaan mismo at iginigiit namin ang pag-asa sa kakayahang malutas ang problema ng mga malayang tao.

Bakit ba itim ang ating bandila? Kulay ng pagtanggi ang itim. Ito ay ang pagtanggi ng lahat ng mga bandila. Ito ay pagtanggi ng pagka-bansa na naghihiwalay ng sangkatauhan laban sa isa’t-isa nito at tinanggihan nito ang pagkakaisa ng buong sangkatauhan. Ang itim ay ang pagkaramdam ng galit at poot sa lahat ng mga krimeng kakila-kilabot laban sa sangkatauhan na naganap sa ngalan ng katapatan sa kung kaninumang pamahalaan. Ito’y ng kagalitan at kapootan sa pagyurak sa katalinuhan ng tao na buhat ng mga pagkukunwari, pagpapaimbabaw, at murang panlalansi ng mga pamahalaan… Ang itim ay kulay rin sa pagluluksa; ang bandilang itim na tinatanggi ng pagka-bansa ay nagluluksa rin para sa mga biktima nito—ang milyon-milyong pinatay sa mga digmaan, panlabas at panloob, para sa kaluwalhatian at katatagan ng ilang madugong pamahalaan. Nagdadalamhati rin ito sa para sa ninakawan ng oras at pagod sa paggawa (kinaltasan ng buwis) upang pondohan ang pagpatay at pang-aapi ng ibang tao. Nagdadalamhati rin ito hindi lamang pagkamatay ng katawan kundi na rin sa pagkakalumpo ng diwa sa ilalim ng kapangyarihan at sistemang hirarkikal; nagdadalamhati ito ang milyon-milyong selula ng utak na dumilim nang walang pagkakataon na magbigay liwanag sa mundo. Kulay ito ng pinakamapanglaw ng dalamhati.

Ngunit maganda rin ang itim. Kulay ito ng pagpapasiya, ng paglutas, ng kalakasan, kulay ito kung saan ang ibang kulay ay nililinaw. Ang itim ay ang nakapalibot na misteryo sa pagsibol ng pagkamayabong, ang lugar ng pag-aanak ng bagong buhay na laging umuunlad, nagpapabago, nagbibigay buhay muli at nagpaparami sa kadiliman. Ang binhi na nakatago sa lupa, ang mahiwagang paglalakbay ng mga tamud, ang sikretong paglaki ng embryo sa sinapupunan ng lahat ng mga kadiliman na pumapalibot at nagpoprotekta.

Kaya ang itim ay pagtanggi, ay kagalitan, ay kapootan, ay pagluluksa, ay kagandahaan, ay pag-asa, ay pag-aalaga at sumisilong ng mga bagong anyo ng buhay ng tao at relasyon sa at kasama sa mundong ito. Nangangahulugang lahat ng mga bagay na ito ang bandilang itim. Ipinagmamalaki namin na dalhin ito, paumanhin kailangan namin dalhin, at asahan ang araw kung nang hindi na kinakailangan ang ganoong simbolo.

[hr]

Why the Black Flag?

The black flag is the symbol of anarchy. It evokes reactions ranging from horror to delight among those who recognize it. Find out what it means and prepare to see it at more and more public gatherings… Anarchists are against all government because they believe that the free and informed will of the individual is the ultimate strength of groups and of society itself. Anarchists believe in individual responsibility and initiative and in the whole-hearted cooperation of groups composed of free individuals. Government is the opposite of this ideal, relying as it does on brute force and deliberate fraud to expedite control of the many by the few. Whether this cruel and fraudulent process is validated by such mythical concepts as the divine right of kings, democratic elections, or a people’s revolutionary government makes little difference to anarchists. We reject the whole concept of government itself and postulate a radical reliance on the problem-solving capacity of free human beings.

Why is our flag black? Black is a shade of negation. The black flag is the negation of all flags. It is a negation of nationhood which puts the human race against itself and denies the unity of all humankind. Black is a mood of anger and outrage at all the hideous crimes against humanity perpetrated in the name of allegiance to one state or another. It is anger and outrage at the insult to human intelligence implied in the pretenses, hypocrisies, and cheap chicaneries of governments… Black is also a color of mourning; the black flag which cancels out the nation also mourns its victims — the countless millions murdered in wars, external and internal, to the greater glory and stability of some bloody state. It mourns for those whose labor is robbed (taxed) to pay for the slaughter and oppression of other human beings. It mourns not only the death of the body but the crippling of the spirit under authoritarian and hierarchic systems; it mourns the millions of brain cells blacked out with never a chance to light up the world. It is a color of inconsolable grief.

But black is also beautiful. It is a color of determination, of resolve, of strength, a color by which all others are clarified and defined. Black is the mysterious surrounding of germination of fertility, the breeding ground of new life which always evolves, renews, refreshes, and reproduces itself in darkness. The seed hidden in the earth, the strange journey of the sperm, the secret growth of the embryo in the womb all these the blackness surrounds and protects.

So black is negation, is anger, is outrage, is mourning, is beauty, is hope, is the fostering and sheltering of new forms of human life and relationship on and with this earth. The black flag means all these things. We are proud to carry it, sorry we have to, and look forward to the day when such a symbol will no longer be necessary.

Comments