A pamphlet on the current COVID-19 pandemic, translated by an anarchist in the Philippines.
Microbiology 101 – Halaw sa teksto ng isang Biologist mula sa Unibersidad ng Sto. Tomas na si Reuel Aquino inihanda at isinalin sa Tagalog ni Bas Umali, isang anarkistang manunulat. Inilathala namin ito sa Bandilang Itim para sa kahalagahan nito sa mga anarkisista sa kapuluan.
[hr]
Walang masama sa matakot pero baduy ang OA, lalo na kung gagawa ka ng mga bagay na magpapalala sa sitwasyon. Kaya ka natatakot dahil WALA KANG ALAM O IDEYA KUNG ANO ANG DARATING.
Dahil hindi mo alam kung paano ka maghahanda; panik, pagkalito, hindipagkaka-unawaan at pagka-stress ng karamihan ang maaring maging resulta ng kawalan ng kaalaman. Kaya’t bago pa dumating ang kinatatakutang sitwasyong ay lugmok ka na sa stress at konsumisyon.
Ang banta sa ating, kalusugan sa ngayon ay virus. Epekto nito ay pagka-antala ng ating mga regular na gawain. Hindi makapag-hanap-buhay, sarado ang mga paaralan, mga pribado at pampublikong tanggapan. May banta ng pagkaunti at pagkaubos ng mga batayang pangangailangan. Higit sa lahat marami na ring buhay ang nawala lalo sa hanay ng mga health workers na pangunahing kumikilos sa pag-kontrol at paglaban sa virus.
Bagamat hindi tayo health workers, tayong karaniwang tao ay may malaking responsibilidad upang matiyak ang maayos na kalusugan ng ating pamilya at pamayanan. Hindi natin mapo-proteksyunan ang ating mga sarili, kaanak, kaibigan, kababayan at kapwa-tao kung tayo ay walang mga batayang kaalaman sa tungkol sa ating “kalaban”. ANO BA ANG VIRUS?
- ANG VIRUS AY HINDI BUHAY na organismo. Ito ay isang napakaliit na piraso ng protina o protein molecule (RNA) ang tawag ng mga scientists. Ito ay nababalutan ng taba (lipid). Sa oras na pumasok ito sa ating mga mata, sa ilong o sa bibig ito ay nagbabago o nagmu-mutate at nagiging agresibo at napakabilis dumami.
- ITO AY KUSANG NALULUSAW. Ang pagkalusaw nito ay depende sa temperatura (init o lamig); dami ng tubig sa hangin (humidity) at klase ng materyales na kinakapitan nito.
- ANG TANGING PROTEKSYON NG VIRUS AY TABA NA NAKABALOT dito. Mainam na pang-laban ang sabon dahil kayang sirain ng bula ang taba na nakapaligid sa virus. Kailangang kuskusin ng dalampung segundo (20 seconds) o mahigit pa upang makalikha ng maraming bula. Sa pagkaka-alis ng taba ay kusang malulusaw ang protein molecule o ang virus.
- NATUTUNAW SA INIT ANG TABA, kaya mainam na gumamit ng mainit tubig (25 degrees Celsius) sa paghuhugas ng kamay, panlaba o paghugas ng pinggan at iba pa. Dagdag pa mas na makakalikha ng bula ang mainit na tubig kaya’t higit na kapaki-pakinabang ang paggamit nito.
- Ang 65% na alcohol ay nakakatunaw ng taba na nagsisilbing proteksyon ng virus.
- Ang timpla na may isang (1) parte ng bleach (kagaya ng chlorox/zonrox) at limang (5) parte ng tubig ay ay direktang nilulusaw ang virus mula sa loob.
- Ang “agua oksinada” o hydrogen peroxide ay maaring gamitin matapos magsabon at mag-alkohol dahil kayang tunawin na peroxide ang protina ng virus. Subalit kailangang mag-ingat dahil matapang ito kung gagamitin ng puro.
- Dahil hindi buhay ang virus walang silbi ang anumang anti-bacteria o bactericide
- Gaano katagal bago malusaw ang virus sa mga materyales na ating ginagamit o nasa paligid?
- MAS NAGIGING MATATAG ANG VIRUS SA MALALAMIG NA LUGAR katulad ng mga naka-air conditioner na mga bahay, tanggapan o sa loob ng mga sasakyan. Kailangan nito ng halumigmig at higit na magiging matatag sa madidilim na bahagi.
- Mabilis na nalulusaw ang virus sa maliwanag, mainit at tuyong lugar.
- Kayang lusawin ng Ultra Violet Light (UV Light) ang protina ng virus
- Hindi magagawang pumasok ng virus sa malusog na balat
- Hindi kaya ng suka (vinegar) na lusawin ang taba na proteksyon ng virus.
- Sa kulob na mga lugar mas higit ang konsentrasyon ng virus. Sa mga lugar na lagusan ang hangin mas kaunti.
- UGALIING MAGHUGAS NG MGA KAMAY. Maghugas ng kamay bago at matapos humawak ng cell phone, remote control, TV, relo, computer, door knob at iba pa. Gayundin, maghugas ng mga kamay pagkagaling sa palikuran.
- Mas mainam kung mapapanatili mong maiksi ang iyong mga kuko upang walang masuksukan ang virus.
Nawa’y makatulong ang munting sulatin na ito upang makapag-sagawa ang bawat isa sa atin ng mga kauukulang hakbangin.
Mas higit tayong magiging epektibo sa pakikipag-tulungan sa pagsugpo ng virus kung papairalin natin ang pagiging malikhain. Sa gabay ng mga impormasyong naibahagi maari tayong gumawa o sumubok ng mga hakbangin na makakasagot sa negatibong epekto ng lock down tulad posibleng pag-unti ng supply, kawalan ng kaalaman sa isyu. pagkainip, at iba pa na hindi mailalagay sa kompromiso ang kalusugan at kaligtasan ng bawat isa sa atin.
THINK POSITIVE! SANA LAHAT TAYO SA COVID-19 AY NEGATIVE
Comments